TINIYAK ni Department of Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco na lalago ang mga negosyo ng mga nais mag-invest sa Pilipinas kasabay ng muling pagbubukas ng turismo sa bansa.
Ayon kay Sec. Frasco susuportahan ng gobyerno ang mga investor na papasok sa Pilipinas.
Bukas at handa ang Pilipinas para sa mga banyagang nais mag-invest ng negosyo sa bansa tulad ng resort or hotel.
Ito ang inihayag ni Sec. Frasco sa isang panel discussion sa ginanap na 22nd World Travel & Tourism Council Global Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ani Frasco na dahil prayoridad ng administrasyon ang turismo, makakaasa ang mga nais mag-invest sa bansa ng suporta mula sa pamahalaan.
Dagdag ni Frasco na ang pinakamainam na dahilan kung bakit magandang mag-invest sa Pilipinas ay dahil sa ‘Filipino hospitality’ na aniya ay naiiba sa ibang lahi.
Dahil dito tiniyak ni Frasco na lalago ang negosyo ng mga investor sa Pilipinas.