NAG-UUMPISA nang dumagsa ang mga mananakay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw bago ang Semana Santa.
Inihayag ni PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, mas marami ngayon ang pasahero kumpara noong bago magkaroon ng pandemya.
Ani Salvador, nakapagtala ang PITX ng 91,000 hanggang lampas 100,000 passengers kada araw umpisa noong nakaraang weekend.
Naniniwala si Salvador na mas dadami pa ang pasahero sa susunod na linggo.
Samantala, ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, dumarami na rin ang mga pumapasok na turista sa bansa na umaabot sa sampu hanggang labing-limang libo kada araw.
BASAHIN: Mga PUJ drivers sa MOA terminal, sinorpresa ng drug test at road worthiness test