Mga manggagawa, makakasakay nang libre sa LRT-2 at MRT-3 ngayong Labor Day

Mga manggagawa, makakasakay nang libre sa LRT-2 at MRT-3 ngayong Labor Day

BILANG paggunita sa Labor Day, maaaring makasakay ang lahat ng mga manggagawang Pilipino nang libre sa Light Rail Transit -2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line – 3 (MRT-3) ngayong Lunes, May 1.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, maaaring ma-avail ang libreng sakay mula 7:00 – 9:00 am at mula 5:00 – 7:00 pm.

Kailangan lamang magpakita ng company identification card o anumang valid government-issued identification card.

Sa isang pahayag, sinabi ni Asec. Aquino

“We understand the importance of your hard work and dedication to our country’s growth and development, especially during these challenging times,” ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino.

Nag-alok ng mga libreng sakay sa mga pangunahaing railway kasunod ng kahilingan ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista upang bigyang-pugay ang mga kontribusyon at tagumpay ng mga manggagawang Pilipino sa buong bansa.

Sinabi ni Sec. Laguesma, inaasahan ang malaking bilang ng mga naghahanap ng trabaho at manggagawa na dadalo at lalahok sa iba’t ibang job fair sites sa National Capital Region bilang pangunahing lugar ng kaganapan.

“A significant number of job seekers and workers, who are daily commuters, are anticipated to attend and participate in Labor Day activities in the National Capital Region, as the main event site,” ani Secretary Bienvenido E. Laguesma, DOLE.

Naniniwala rin ang kalihim na ang libreng sakay ay hindi lamang magpapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga manggagawa ngunit  kikilalanin din ang kanilang makabuluhang kontribusyon sa nation building at national development.

“This gesture will not only ease the financial burden of the workers but will importantly recognize their significant contributions to nation building and national development,” ayon pa kay Laguesma.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter