Mga manggagawa na lalahok sa Nat’l Vax Drive, hindi ituturing na absent

Mga manggagawa na lalahok sa Nat’l Vax Drive, hindi ituturing na absent

HINDI na kailangang mag-atubiling sumali ang mga empleyado at manggagawa sa tatlong araw na malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng pamahalaan.

Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang November 29, November 30 at December 1 bilang Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Days.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1253 na inisyu ng pangulo nitong Miyerkules, ang mga empleyado ng pampubliko at pribadong sektor na lalahok sa pagbabakuna sa mga araw na ito ay hindi ituturing na lumiban sa kanilang trabaho, basta’t magpapakita sila ng patunay ng pagbabakuna sa kanilang mga employer.

Nauna nang hinimok ng punong ehekutibo ang mga lokal na pamahalaan na pakilusin ang lahat ng kanilang resources para sa massive vaccination drive.

“I urge all national government agencies as well as provincial and local government units to use all available resources, especially human resources, to help in the vaccination efforts during these three days of vaccination,” ani Duterte.

Inatasan din nito ang mga alkalde na dalhin ang kanilang mga nasasakupan sa mga vaccination site at pakainin na rin pagkatapos.

“I am authorizing all governors and mayors, gumastos na lang kayo ng pera, papalitan ko lang ‘yan balang araw. Pakainin na lang ninyo sila,” saad ng pangulo.

“Kawawa naman yung mga Pilipino. Really, you just give me the bill and I will try to pay it if I have the money,” dagdag nito.

Saad naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa isang panayam na nakahanda na ang mga vaccination team at area para sa tatlong araw na malakawang pagbabakuna.

Magpapatuloy rin ani Galvez ang pamamahagi ng COVID-19 boosters sa mga araw na ito, magtatalaga lang ng hiwalay na venue.

“Ang recommendation namin sa lahat ng ating LGUs at vaccine sites there will a separate vaccination sites for children, for boosters and also for first and second dosers,” ani Galvez.

“So that we will not make mistake. Second, para at least sa counting and accounting ng booster sa lahat ng nagpa-vaccinate is very easy to segregate,” paliwanang ng opisyal.

15 milyong Pilipino ang target na mabakuhan ng pamahalaan sa three-day National Vaccination Drive.

Sa kasalukuyan, 34 million na sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.