NAARESTO ang mga miyembro at leader ng notorious kidnap-for-ransom group.
Matagumpay na naaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group sa pamamagitan ng magkakasunod na operasyon ang buong miyembro ng isang notorious kidnap-for-ransom group, sa loob lamang ng 24 hours noong Hulyo 12, 2023 sa Cainta, Rizal.
“In an intensive operation, the PNP anti-kidnapping group successfully arrested the entire member of notorious kidnap for ransom group in a series of operations with a span of 24 hours June 12, 2023 in Cainta Rizal” saad ni PLtCol. Ryan L. Manongdo, Chief PIO, PNP-AKG.
Ayon sa ulat ng PNP-AKG nakatanggap sila ng impormasyon na muling magkikita-kita ang mga pangunahing indibidwal at personalidad ng nasabing grupo para muling gumawa ng kidnapping activity.
Dahil dito ay agad na nagsagawa ng operasyon ang PNP Anti-Kidnapping Group upang mapigilan ang muling pambibiktima ng mga ito.
Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkaka-aresto kay Ramil Madriaga, 55 taong gulang na residente sa San Andres, Cainta, Rizal, at Top 5 Most Wanted Person ng Anti-Kidnapping Group (national level) at tinuturing leader ng grupo.
Kasama rin sa nahuli si Jaime Patano, Ervyn Garcia, Ronald Romarate, at Richard Peralta.
Hinuli ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest for Kidnapping for Ransom na may petsang Hunyo 30, 2023 na inisyu ni Hon. Alma Crispina B. Collado-Lacorte, Presiding Judge, National Capital Region, Regional Trial Court, Branch 21, Manila na walang inirekomendang makapagpiyansa.
Ayon kay PCol. Moises Villaceran, Jr. deputy director for administration, PNP-AKG, noong dekada 90 pa nag-ooperate ang grupo ni Madriaga at nasampahan na rin ito ng kaso ngunit napawalang sala.
“Actually if you can recall that is more than how many years ago 1997 the group of Madriaga particularly Ramil and Rosendo the one who give extra judicial confession has been charged of Regional Trial Court Pasig City before for the same crime, kidnapping for ransom and they were convicted by the court however during the appeal to Supreme Court medyo na acquit sila because of some other reason” wika ni PCol. Moises Villaceran, Jr. Deputy Director for Administration, PNP-AKG.
Dagdag pa ng mga awtoridad, mga Filipino Chinese nationals ang pangunahing target ng grupo ni Madriaga at kilala ang mga ito na walang awa sa kanilang mga biktima.
“Filipino Chinese ito these are targeting young mga rich and Filipino Chinese or ‘yung Filipino citizens talaga na mayaman” ayon kay LtCol. Ryan L. Manongdo, Chief PIO, PNP-AKG.
“Ginagawa nila meron silang time frame kung hindi makabayad within specific period ‘yung family of the victim sinasaktan at pinapatay nila so ‘yun ang method na ginagawa nila so traditional i’ts very dangerous” dagdag ni Villaceran.
Samantala, maituturing isang private armed group ang grupo ni Madriaga dahil sa mga kakayahan ng mga ito.
“Makikita natin na may mga baril sila so alam lang natin is ‘yung license for example kay Madriaga, meron tayong alam na ilang pistols na nakapangalan sa kanya, aside from the one that we got yesterday and the based on sa social media exploitation namin they …. firing range may mga mahahaba silang baril and base also on our informants nagki-keep sila ng mga VIP security sa mga personalities as well as security guards ‘nung beneripay namin sa SGC wala namang security agency na nakapangalan sa kanya,” saad ni PCol. Frederick E. Obar, ARMD/AC, IRAD.
Kinilala naman ni PBGen. Rodolfo D. Castil, Jr. director ng PNP-AKG ang nasabing katagumpayan ng kanilang hanay at sinabing malaking bagay ang pagkakahuli ng buong miyembro ng Madriaga Kidnap for Ransom Group sa paglutas ng mga awtoridad laban sa organized crime.
“The swift and successful arrest of the entire members of the Madriaga Kidnap for Ransom Group marks a significant milestone in the ongoing battle against organized crime,” ayon kay PBGen. Rodolfo D. Castil Jr. Director, PNP-AKG.
Tanda umano ito ng walang sawang pakikipaglaban ng mga awtoridad laban sa mga kriminal upang mapanatili ang hustisya at kaligtasan ng komunidad.
“It stands as a testament to the tireless efforts of our group and our unwavering commitment to upholding justice and safeguarding society from the clutches of criminal elements,” saad ni PBGen. Rodolfo D. Castil Jr., Director, PNP-AKG.
At kasabay ang pangako na mananatiling matatag at magsisikap ang PNP-AKG sa pagresolba ng kriminalidad partikular na ang kidnapping.
“Rest assured that the PNP AKG will remain steadfast in suppressing and resolving criminal activities particularly in kidnapping,” dagdag ni Castil.