Mga miyembro ng transition team ni presumptive president-elect Marcos, pinangalanan na

Mga miyembro ng transition team ni presumptive president-elect Marcos, pinangalanan na

PINANGALANAN na ang mga bubuo ng transition team ni presumptive president-elect Bongbong Marcos Jr.

Sa press briefing, inanunsyo ng tagapagsalita ni Marcos na si Attorney Vic Rodriguez na pangungunahan niya ang naturang team.

Bukod kay Rodriguez, kasama rin dito sina dating Davao del Norte Representative Anton Lagdameo, dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, dating Manila Representative Naida Angping at South Cotabato Governor Jun Tamayo.

Una nang inanunsyo ng Malacañang na lumikha na sila ng transition team na pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea para matiyak ang maayos at mapayapang paglipat ng kapangyarihan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter