UMABOT na sa 34,555 pamilya o 163,508 indibidwal ang naaapektuhan ng oil spill dulot ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Batay ito sa datos ng NDRRMC ngayong Miyerkules, Marso 22 mula sa 155 barangay sa Mimaropa at Western Visayas.
Nakapagtala ang awtoridad ng 192 indibidwal na nasaktan.
Habang 13,654 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan.
Sa ngayon, umabot na sa 3.8 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng oil spill.