Mga nabakunahan sa lungsod ng Davao, umabot na sa 1.16-M

Mga nabakunahan sa lungsod ng Davao, umabot na sa 1.16-M

UMABOT na sa 1.16-M ang mga nabakunahan sa lungsod ng Davao.

Habang nagpapatuloy ang pandemya nagpapatuloy din ang ginagawang hakbang ng pamahaalan upang labanan ito, patunay dito ang datos na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Davao kung saan nasa 1.16 milyong dabawenyo na ang nabakunahan.

Ang sinasabing 1.16 milyong dabawenyo mula sa datos nitong January 6 ay fully vaccinated na pero sa kabila nito inihayag din ng pamahalaang lungsod ang mabagal na turn out ng booster vaccination kung saan 49 thousand 215 na dabawenyo pa lamang ang naka avail ng ikatlong jab na inaasahang maging karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Dahil dito, hinihikayat ng tagapagsalita ng Davao City COVID-19 taskforce na si Dr. Michelle Schlosser ang bawat isa na magpabakuna lalo pa at may inaasahang surge ng bagong variant.

‘’Another layer of protection will not hurt, especially that we are anticipating a surge and the arrival of a variant with massive spread because Omicron although milder can have exponential spread,” ayon kay Davao City Covid-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser.

Binigyang diin din nito, ang mga pinsala na maidudulot ng nagpapatuloy na pandemya para sa mga unvaccinated individuals inihayag din nito ang patuloy na pagtaas ng kaso pero nananatili naman ang positivity rate sa ilalim ng 5% at bagamat wala pa ang sinasabing surge ay pinaghahandaan pa rin ito ng lungsod.

‘’If you are not vaccinated there is a big possibility that it will progress into severe and critical based on the December 31 data of the Department of Health approximately 90 percent of those who got positive in Davao Region that was listed as severe to a critical case are those who are unvaccinated. So it is a huge help to be vaccinated,”dagdag nito.

Para naman sa mga nais magpa booster shot at vaccination para sa una at ikalawang dose makikita nila ang impormasyon sa Facebook page ng City government ng Davao.

‘’There’s an increase in our COVID-19 cases. It began when we started having double digits… yesterday, we had 67. Yes, we are increasing but the positivity rate remains below five percent. We do not have a surge yet but we are anticipating it,”saad nito.

SMNI NEWS