Mga nabiktima ng lindol sa Abra, pinagkalooban ng tulong ng DSWD

Mga nabiktima ng lindol sa Abra, pinagkalooban ng tulong ng DSWD

PINAGKALOOBAN ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng magnitude 7.0 na lindol noong buwan ng Hulyo sa Abra.

Ito’y sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program na layong tulungan ang mga residenteng nasiraan ng bahay at nawalan ng hanapbuhay.

Ang Abra ang pinakaunang recipient ng ECT program na ipamumudmod sa 27 munisipalidad ng probinsya.

Qualified dito ang mga mahihirap na pamilya na kasama sa DSWD Listahanan Poverty Database na hindi tumatanggap ng ayuda sa 4Ps at mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).

Mahigit sa 23,000 pamilya mula sa Abra at Mountain Province ang nabigyan ng tulong na may higit sa P214-M na budget.

Ang partially damaged households ay nakatanggap ng P8,550 habang yung totally damaged households ay nakatanggap ng P25,650 na tulong.

Follow SMNI NEWS in Twitter