Mga nag tigil-pasada kasama ng Manibela, nasampolan ng LTFRB

Mga nag tigil-pasada kasama ng Manibela, nasampolan ng LTFRB

IGINIIT ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na totohanin nila ang pagkansela sa mga prangkisa ng mga jeepney operator at drayber na lumahok sa tigil-pasada.

Ang babalang ito ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, III ay matapos magsagawa ng 3-araw na strike ang grupong PISTON noong Lunes, Nobyembre 20 hanggang nitong Miyerkules, Nobyembre 23.

Ayon kay Guadiz, hindi sila magdadalawang- isip na patawan ng show cause order ang sinumang nambabato, nanghaharas o namimilit sa mga tsuper na lumahok.

Nag-ugat kasi ang tigil-pasada ng PISTON ay dahil sa December 31 deadline ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Pero ang naturang hinaing ng PISTON ay tinugunan nang LTFRB matapos personal na kinausap ni Chairman Guadiz ang lider ng grupo.

Pero, nagpahayag din ang grupong Manibela ng tigil-pasada simula rin noong Miyerkules, Nobyembre 23 -24.

Dahil na rin sa ilang beses na pagsasagawa ng tigil-pasada ng Manibela at ang ilan pa ay nanghaharas na.

Kung kaya’t, pinatawan ng show cause order ang nasa 17 jeepney operators at drayber.

“Yung mga show cause order na ginagawa ng pagdinig sa ngayon ay ito po ang mga nakaraang tigil-pasada it will take time pero nag-iisyu po ng show cause order ang LTFRB at nagkaroon na po ng cancellation of franchises dahil sa pakikilahok sa tigil-pasada.”

“Ang franchise po ay pribiliheyo para sa mga tsuper at operator siyempre tuwing nagsasagawa tayo ng ganyan ay naapektuhan ang ating mga pasahero at commuter at the same time kapag nagkakaroon ng tigil-pasada ay maraming government assests ang naka-standby at parte yan consequences sa pagsasagawa ng tigil-pasada,” ayon kay Celine Pialago, Spokesperson, LTFRB.

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang LTFRB sa Enero 2024 hinggil sa mga naisyuhan ng show cause order.

Permanenteng tigil-pasada ng Manibela, hindi makakaapekto sa public transport —LTFRB at MMDA

Samantala, positibo naman ang LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang epekto sa hanay ng pampublikong transportasyon ang plano ng grupong Manibela na permanenteng tigil-pasada.

Kung pagbabasehan umano ang idineploy na government assets sa kanilang isinagawang tigil-pasada ay hindi aabot sa 5 porsiyento ang lumahok.

“Hindi makakaapekto sa suplay ng public transport natin ang nagging anunsiyo ng Manibela pero maghahanda pa rin tayo dahil ayaw natin na Makita na kapag may mga konti lang na pasahero na naka kumpol-kumpol ay they will claim na dahil sa kanilang tigil-pasada kaya may ganon,” dagdag ni Pialago.

“No effects ‘yung kanilang mga strike in fact kahapon at sa ngayon parang hindi namin naramdaman. Wala kaming na dispatch na mga vehicle na para umalalay para sa ating mga kababayan dahil wala naman kaming nakita na mga nahihirapan na sumakay,” ayon kay Atty. Romando Artes, Chairman, MMDA.

Pinabulaanan din ni Artes ang iniulat ng Manibela na dahil sa kanilang tigil-pasada kung kaya’t naiipon ang mga pasaherong walang masakyan.

“Yan ‘yung normal na volume ng mananakay pero kung sasabihin na ‘yan ‘yung epekto ng kanilang strike hindi po,” dagdag ni Atty. Artes.

Nakahanda naman ang LTFRB na tulungan ang mga drayber na permanenteng magtitigil-pasada.

Ito ay sa pamamagitan ng Tsuper Iskolar Program ng TESDA at Entsuperneur Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inisyatibo ng Department of Transportation (DOTr).

“Pero, upang mas mabigyan ng tamang impormasyon ang mga operator at drayber ay layunin ng PUVMP at iba pang programa ng ahensiya,” ani Pialago

Juan Stop, Tsuper Shop, nakatakdang ilunsad sa Disyembre na sagot sa agam-agam ng mga tsuper sa PUVMP

Nakatakdang ilunsad sa Disyembre 2023 ng LTFRB ang ‘Juan Stop, Tsuper Shop’ na sagot sa lahat ng agam-agam patungkol sa programa.

“Nakaboot po ‘yun. So isa-isa lahat ng concerns nila sa PUV modernization sa consolidation process and at the same time legal assistance at magkakaroon po si Chairman ng town hall na bukas sa lahat ng mga tsuper at operators at inaasahang na nasa 100 members po nito ang dadalo para witness ang publiko sa efforts ng LTFRB na lubos nilang maintindihan ang December 31 consolidation deadline,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter