UMABOT na sa mahigit 200 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Brunei ang nagka-COVID.
Tiniyak naman ng OWWA na tutulungan at susuportahan ang mga nasabing COVID positive.
Inilahad ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang virtual presser.
Ang Brunei ay kasalukuyang nasa second wave ng COVID kung saan patuloy na tumataas ang bilang ng mga apektado.
Ipinabatid naman ni Brunei Labor Attache, Melissa Mendizabal ng POLO-Brunei na nasa isolation facilities ngayon ang mahigit 200 na OFWs, ang iba sa mga ito ay asymptomatic.
‘’So far base po sa mga natanggap namin na reports especially coming from the workers themselves, okay naman po sila nanghihingi lamang po sila ng mga para po bang pampalakas ng katawan because their really want to you know para gumaling po sila kaagad, so the embassy through POLO-OWWA medyo ano po kami ngayon double time ng pagbibigay ng pangangailangan nila,’’ayon kay Labor Attache, Melissa Mendizabal.
Base sa report, bukod sa local transmission ay kabilang din sa tinamaan ng virus itong tinatawag na import cases o iyong mga bagong dating na mga Filipino worker.
Naglunsad naman ng BruHealth ang bansang Brunei o isang contact tracing App para sa lahat ng naninirahan sa bansa partikular sa mga Pilipinong manggagawa, ito ay isang App mula sa Ministry of Health kung saan dito sasabihin kung ang tao ay isang possible contact ng isang positive and tinatawag na code red.
Yellow code naman para sa mild risk habang purple code sa kumpirmadong COVID positive, blue code para sa mga nakarecover at green code para sa mga healthy.
Samantala, ipinaalam naman ni Labor Attache Melissa na walang vaccine restriction sa mga OFW kapag pupunta sa bansang Brunei.
Pero, bago paman mabigyan ng in-principle visa ang isang Pinoy worker, isa sa mga regulasyon ng Brunei government kailangan magpresinta ang bawat employers ng dokumento na doon aaprubahan ng Immigration, Labor Department at PMOO office.
Kung saan kailangan bayad na ang hotel na pansalamantalang magiging quarantine ng Filipino worker, swab test, round trip transfer upang mabigyan ng temporary visa.