KINUWESTIYON ng political analyst na si Prof. Malou Tiquia ang mga nagpapakalat ng tsismis na tumakas si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maiwasan ang pagpapa-aresto ng International Criminal Court (ICC).
Aniya, tila sobra na ang obsesyon ng mga kalaban ni Duterte sa pagpapabagsak sa kanya, samantalang marami pang mas mahahalagang suliraning kinakaharap ang bansa na dapat pagtuunan ng pansin.
Ipinaliwanag ni Tiquia na ang pagpunta ni FPRRD sa Hong Kong ay dahil sa rally ng PDP-Laban senatorial lineup doon, kasabay ng isang ‘Pasasalamat’ event para sa kanya noong Marso 9, 2025.
Sa ngayon, nakabalik na si FPRRD sa Pilipinas ngayong araw, Marso 11, 2025.
Follow SMNI News on Rumble