Mga nagplano sa ilegal na pagsalakay sa mga religious compound ng KOJC, wala sa tamang pag-iisip—Ex. Presidential Asst/Consultant

Mga nagplano sa ilegal na pagsalakay sa mga religious compound ng KOJC, wala sa tamang pag-iisip—Ex. Presidential Asst/Consultant

MARAMING nilabag sa konstitusyon ang administrasyong Marcos Jr. kaugnay sa ginawang pagsalakay ng PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng KOJC ayon sa dating Presidential assistant at consultant ng Ramos at Duterte administration.

“Whoever taught about this operation is crazy,” saad ni Jose Alejandrino, Former Presidential Asst. of FVR, Former Presidential Consultant of FPRRD.

Ganito inilarawan ni Jose Alejandrino dating Presidential assistant ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at presidential consultant ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginawang pagsalakay ng dalawang battalion na naka-full battle gear na PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong June 10, 2024.

Ang nasabing pahayag ng dating kawani ng gobyerno ay kaugnay sa ilegal na pagpasok ng PNP-SAF at PNP-CIDG sa hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi apat na religious compound ng KOJC sa Davao City at Kitbog, Malungon, Sarangani.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Jose Alejandrino, sinabi nito na ang ginawa ng mga armadong kapulisan sa mga religious compound ng KOJC ay hindi gawain ng taong may matinong pag-iisip.

Paliwanag nito na kung magsisilbi ng arrest warrant ang mga pulis dapat aniya na mayroong tamang address taliwas sa ginawa ng mga naka-full battle gear na tila hinalughog ang buong Davao City sa dami ng mga lugar na pinuntahan.

“When you serve an arrest warrant you have to serve it at the address you cannot go to all over Davao serving a warrant of arrest, there has to be specific address, now if the address is at the Kingdom of Jesus Christ, a sheriff could have gone there or one police officer could have gone there and knock on the door said maam meron kami ditong warrant to serve can you receive it then the person receive o e ‘di tapos na you don’t go down with the whole battalion of Special Action Force to tear down the gates of the thing with armalites ganyan as if you’re going to war, you don’t do that no body with this right mind will do it,” ani Alejandrino.

Naniniwala rin si Alejandrino na overkill ang ginawa ng PNP-SAF sa sobrang dami ng mga pulis na nagtungo sa mga religious compound ng KOJC.

“When you send two battalions of the PNP-SAF that to me is an overkill do you need two battalions? To serve a simple arrest warrant? Do you really need two battalions? and then they broke down the gates of the private property of the Kingdom of Jesus Christ and what they just found there? Worshipers,” aniya.

Binigyan diin ni Alejandrino na ang kawalan ng hustisya at kawalan ng tamang proseso sa kaso ni Pastor Apollo C. Quiboloy at maging ang pagtanggal sa prangkisa ng SMNI ay planado na noon pa.

“I think this was part of a plan to bring down the Dutertes, shut down SMNI because this was only the platform Duterte has for airing out his differences and that is one aspect of the plan to ultimately destroy the Dutertes political because when they have no more voice wala na,” aniya pa.

Dahil dito lahat ng ginagawa ng gobyerno laban sa KOJC ay mali at maraming nilabag sa konstitusyon.

“And they are violating freedom of expression, freedom of worship, freedom of the press because when you cancel the license of SMNI without going through due process, it’s just arbitrary capricious decision which is wrong, you cannot do it, the government cannot do it because the moment the government does that, it’s just arbitrary capricious decision which goes against Philippine Constitution” dagdag nito.

“So, what is this government is doing is violating all the provisions of the constitution so you know when you look at everything of what is happening, mali what they’re doing is wrong” diin nito.

Maliban dito sinabi rin ni Alejandrino na maging sa batas ng Diyos ay mayroong nilabag ang Marcos administration.

“You know in the Bible you cannot defile the house of God because you will be punished and all those who defile the house of God according to Bible will go to hell! ok? So, what they do by storming, the SAF storming destroying the gate and entering into private property that Kingdom of Jesus Christ is a house of God you cannot do this your defiling the house of the Lord there are many things that were wrong,” dagdag pa niya.

Sa kabuuan dahil sa mga nangyaring kapalpakan, kawalan ng hustisya at paggamit ng sobrang kapangyarihan laban sa mga kritiko at sa KOJC, sinabi ni Alejandrino na bumagsak ang ratings ni Marcos Jr.

“And it backfired because you know why? The number of those who now don’t support Marcos has recent for what I’m told to 18 million in another words Marcos rating trust rating is down to 33% the same Bidens rating is 34% Marcos rating is even belows Bidens rating can you imagine that? Now what does that mean? That means that the 31.6 million who voted for him I predict his numbers of supporters will go down to 9 to 10 million lang, in another words wala nang 31.6 million it will go down to 9-10 million,” diin nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble