Mga nagpositibo na kontak ng COVID-19 UK variant patient, umabot na sa 14

PUMALO na sa labing apat ang nagpositibo sa COVID-19 na contact ng Pilipino na nagpositibo sa UK variant ng coronavirus ayon sa kumpirmasyon ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang walong pasahero ng Flight Emirates EK 332, apat na pasahero kasama ang kasintahan ng pasyente na nagnegatibo pagdating sa bansa ngunit nagpositibo sa re-swabbing.

Maging ang isang kaanak ng UK variant case at isang health worker.

Ngunit, ayon sa DOH, posibleng hindi sa UK variant index case nahawa ang ina at ilan sa mga pasahero kundi sa ibang tao.

Samantala, natunton na ng Department of Health ang isa pang close contact ng Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 UK variant matapos bumiyahe sa United Arab Emirates.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 213 close contact, tatlo na lamang ang patuloy na pinaghahanap ng DOH.
Dalawa aniya rito ay mula sa National Capital Region at ang isa ay taga-Region 7.

Una nang sinabi ng DOH na kabuuang 14 katao na may link sa UK variant positive ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang dito ang walong co-passengers ng flight at limang close contacts.

SMNI NEWS