Mga nagtigil-pasada sa Angeles Pampanga na walang abiso sa pamahalaan, nasampolan ng LTFRB

Mga nagtigil-pasada sa Angeles Pampanga na walang abiso sa pamahalaan, nasampolan ng LTFRB

INATASAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Regional Director ng LTFRB Region 3 na isuspinde at i-revoke ang prangkisa ng transport group sa Pampanga matapos na nagsagawa ang mga ito ng tigil-pasada ng wala man lang abiso sa pamahalaan.

Ayon kay Atty. Teofilo Guadiz III chairperson ng LTFRB sinabi nito na araw ng Martes nagsagawa ng tigil-pasada ang transport group na PISTON-Rama na may rutang Angeles Mabalacat – Dau Angeles sa Pampanga na nagresulta sa pagkaka-stranded at nagdulot ng perwisyo sa daan-daang pasahero.

“Last Tuesday hundreds of students and workers were stranded after a public utility transport group conducted a strike in Angeles City at 8 am many commuters were seen waiting for public utility vehicles along Mc Arthur Highway along Angeles were jeeps plying Angeles Mabalacat – Dau Angeles usually fetch thousands passengers daily,” ayon kay Atty. Teofilo Guadiz, III, Chairperson, LTFRB.

Ang ginawang ito ng transport group na PISTON-Rama na basta na lang hindi pumasada ay ikinagalit ng LTFRB, paliwanag pa ni Atty. Guadiz hindi man lang inisip ng naturang transport group ang kapakanan ng mga naperwisyong pasahero.

“Ang kagitla-gitla lang sa Angeles ay ang unang-una ‘yung pagkakagawa nila it’s so bad hindi na lang nila inisip ‘yung mga taong mapeperwisyo ang PISTON given notice so ‘yung publiko ay nakapaghanda sa Angeles …… talagang sobrang perwisyo kawawa ‘yung taong-bayan that’s why we are so upset doon sa ginawa nila hindi na lang nila inisip ‘yung taong bayan na kanilang pinaglilingkuran,” dagdag ni Atty. Teofilo Guadiz.

Dahil dito bibigyan ng show cause order ang lahat ng mga sumali sa tigil-pasada sa Pampanga upang magpaliwanag.

Maliban pa rito, inatasan na rin ng LTFRB ang local police na magsampa ng kauukulang kaso sa mga nanghahagis ng spike sa kalsada upang maparalisa ang transportasyon maging ang mga namimilit sa kapwa tsuper na sila ay samahan sa tigil-pasada ay pinasasampahan na rin ng kaso.

“In line with this the LTFRB Central Office has instructed number 1 the regional director of LTFRB Region 3 to suspend and revoke the franchise of the local Rama Group. We are coordinating right now with the local PNP to file appropriate charges against those who in one way or another cost damages to public utility vehicles, yan po ‘yung mga nanghaharang, yan po ‘yung mga naglalagay ng spike sa daan which temporarily cause paralysis in the public transportation,” ani Guadiz.

Samantala, kaugnay sa babala ng mga transport group na muli silang magsasagawa ng tigil-pasada, sinabi ng LTFRB na sila ay palaging nakahanda sa gagawin ng mga ito.

Follow SMNI NEWS on Twitter