KINILALA sa Kamara ang legislative achievements o ang mga panukalang naisabatas sa ilalim ng Duterte Administration na nagdulot ng kaginhawaan at pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
Ito ay bago sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ibinida sa isang video presentation na pinamagatang “Kung Duterte, Posible” ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga panukalang batas na naisabatas ng Pangulo.
Itinampok din dito ang pagbabagong dala ni Pangulong Duterte sa bansa.
Kasama naman sa mga nasabing mga batas ay Free College Education Act, ang Balik Scientist Program Act, Bangsamoro Organic Law, Free Internet Access Act, at Universal Health Care Law.
Kasama din ang Bayanihan 1 at 2, Salary Standardization Law, FIST Act, Paid Maternity Leave Act, Free Irrigation Act, Alternative Learning System Act at Energy Efficient and Conservation Act at marami pang iba.
Ayon kay Speaker Velasco, ginawa lahat ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang makakaya para mapaangat ang buhay ng mga Pilipino.
Priority bills ng Pangulong Duterte bago matapos ang 2021, kampanteng maipasa
Samantala, kampante ang Malakanyang na ipapasa ng Kongreso ang priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa na papalapit na ang eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naging maayos ang relasyon ng Kongreso at ni Pangulong Duterte kaya naman kumbensido ito na maipapasa ng urgent ng Kongreso ang mga priority bills ng Pangulo.
Binigyang diin din ni Roque na kailangan maipasa ang mga naturang hakbang sa lalong madaling panahon lalo pa’t magiging busy na ang mga mambabatas sa pulitika.
Umaasa ang tagapagsalita ng Pangulo na agad magsagawa ng pagdinig ang ipasa ng Kongreso bago matapos ang taon.
Una ng hinimok ni Duterte ang mga mambabatas na agad ipasa ang panukalang batas nagbabago sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act upang sumigla ang ekonomiya ng bansa na apektado ng COVID-19 health crisis.