Mga nambugbog sa MMDA traffic enforcer sa Pasay, hindi ligtas sa kaso

Mga nambugbog sa MMDA traffic enforcer sa Pasay, hindi ligtas sa kaso

MAIYAK-IYAK na humarap sa media si Mang Jose Zabala, empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na nabubog sa ikinasang clearing operations sa may Barangay 147 sa Pasay nitong Linggo.

Ayon kay Mang Jose, trauma ang inabot niya dahil sa pambubogbog ng isang grupo ng mga lalaki.

Maliban kay Mang Jose, nasaktan din ang kaniyang mga kasamahan na sina Adrian Nidua, Jericho Fabella, Mario Martin, Jimmy Valencia at Eddie Boy Garas.

Dahil sa nangyari, ayon kay MMDA Chairman Romando Artes magsasampa ng kaso ang kanilang mga tauhan laban sa mga nambugbog sa kanila.

Base sa imbetigasyon ani Artes, nagsimula ang kaguluhan matapos pwersahang binabawi ng isang grupo ng mga lalaki ang isang nakumpiskang e-trike sa ikinasang clearing operations.

Nakikipagugnayan na ani Artes ang ahensiya sa barangay captain ng nasabing lugar upang matukoy ang nasa higit limang taong sangkot sa nasabing insidente.

Simula kahapon, dalawang tao na ang natukoy sa mga nanakit sa tauhan ng MMDA.

Sa kaniyang Facebook post, pumalag din si MMDA Task Force Special Operations head Edison “Bong” Nebrija sa nagyaring insidente.

“This is totally a form of anarchy. Inaayos lang kayo bubugbugin nyo tropa namin. Yung matanda na binugbog nyo nagserbisyo sa militar yan tapos kayo na ang lalaki ng katawan pinagtulungan nyo ang isang matanda,” pahayag ni Nebrija.

Dagdag naman ni Atty. Artes na dahil sa nangyari aaraw-arawin nila ang pagsasagawa ng clearing operations sa nasabing lugar.

 

Follow SMNI News on Twitter