HINDI aabot ng ilang libo ang bilang ng mga napatay sa ilalim ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung pagbabatayan ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa foreign relations scholar na si Sass Rogando Sasot, natuklasan niya ito matapos basahin ang warrant.
Batay sa dokumento, nasa 19 drug pushers at magnanakaw lamang ang napatay ng mga miyembro ng Davao Death Squad (DDS) sa iba’t ibang panig ng Davao City.
Bukod dito, nasa 24 drug pushers, drug users, at magnanakaw lamang ang napatay ng mga awtoridad sa buong bansa.
Malayo aniya ito sa iniulat ng mainstream media na mula 2011 hanggang 2019, umabot sa 30,000 ang mga napatay sa drug war, karamihan ay umano’y inosente o nadamay lang.
Dagdag pa ni Rogando Sasot, batay sa arrest warrant, co-conspirator lamang si FPRRD at hindi ang mastermind ng mga pagpaslang.