Mga narehistrong SIM umabot na sa mahigit 16-M

Mga narehistrong SIM umabot na sa mahigit 16-M

PATULOY ang panawagan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na iparehistro na ang kanilang mga SIM kasabay ang paalala na mag-ingat sa mga manloloko.

Umabot na sa 16,150,926 (9.56%) ang narehistrong SIM cards as of January 9, 2023.

Ito’y base sa inilabas na datos ng DICT, sa nasabing bilang 6,388,232 ay Globe subscriber, 7,205,528 naman ay galing sa Smart subscriber at 1,263,407 ay mga Dito subscriber.

Sa kabuuan nasa 9.56% lamang ito sa target ng DICT na maiparehistrong SIM sa buong bansa.

Ayon kay DILG Usec. Atty Margarita Gutierrez, binigyang-diin nito na tanging layunin lamang ng SIM registration ay makapagbigay ng seguridad sa mga Pilipino.

Kaugnay nito ay ipinasilip naman sa media ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang kanilang Inter Agency Response Center para sa SIM registration na tumatanggap ng mga reklamo kaugnay sa pagpaparehistro nito.

Sa kanilang opisina sa Quezon City ay may 45 na tauhan ang nakatutok para sagutin ang mga complaints na natatanggap mula sa kanilang hotlines at website.

Follow SMNI NEWS in Twitter