INILAHAD ni Nueva Ecija 1st District Representative Mikaela Suansing na higit kalahating bilyon na ang halaga ng mga smuggled commodity ang nakapasok sa bansa ngayong taon.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means sa isyu ng large-scale smuggling sa bansa, sinabi ni Suansing na kabuuang P693.95 million ang nakapasok ngayong buwan lamang ng Enero.
Ayon din sa mambabatas na vice-chairman ng Ways and Means Committee na taon-taon, nasa P24.7-B – P26-B na halaga ang lugi ng pamahalaan sa tobacco smuggling.
Hindi pa dito kasama ang P600-M na halaga ng smuggled na pulang sibuyas na naipuslit sa bansa nito lamang 2022.
Habang pumapatak sa P521.5-M na halaga ng smuggled sugar ang nakapasok nitong 2021.
Tututukan naman ng komite ang isyu na ito sa paparating sa pagdinig nila ngayong Enero 30 lalo na ang agricultural smuggling na nakaaapekto sa buhay ng mahigit 10 milyong Pilipino sa buong bansa.