Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 14

UMAKYAT na sa 14 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong bansa.

Batay sa bulletin na ipinalabas ng Department of Health, kabilang sa panibagong nasawi ay sina Patient No. 126 at 129.

Si Ph126 ay isang 76 years old na nakakaranas ng acute respiratory distress syndrome at severe pneumonia at nasawi nitong Martes ng tanghali.

Ang nasabing pasyente ay na-admit sa Manila Aventist Hospital noong March 9, 2020 at naging positibo sa COVID-19 noong March 15.

Isang 67 years old naman si Ph129 na may acute respiratory distress syndrome secondary to COVID-19 at community-acquired pneumonia.

Maliban dito, mayroon din itong hypertension.

Sa ngayon, umakyat nasa 187 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 45 panibagong kaso.

Sa naturang bilang, apat dito ang nakarekober sa naturang sakit kabilang si Patient 25 na kabilang sa inilikas mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Aktor na si Christopher de Leon, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng aktor na si Christopher de Leon na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon sa aktor wala siyang travel history at wala rin itong matandaan na nakahalubilo na kontaminado ng virus.

Ngunit dahil sa kanyang trabaho, sinabi nito na marami itong nakakasalamuha.

Dahil dito, hiniling ng aktor sa lahat ng kanyang nakahalubilo simula noong nakaraang linggo na mag-self-quarantine at sundin ang mga paalala ng DOH.

Sa ngayon, sumasailalim na ang kanyang asawa, anak at mga kasambahay sa self-quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.