Mga nasunugan sa Brgy. Tatalon, pansamantalang nasa Diosdado Macapagal Elem. School; QC LGU’s agad tumulong

Mga nasunugan sa Brgy. Tatalon, pansamantalang nasa Diosdado Macapagal Elem. School; QC LGU’s agad tumulong

PANSAMANTALANG nasa Diosdado Macapagal Elementary School ng Brgy. Tatalon, Quezon City nanunuluyan ang may higit sa 130 pamilyang nasunugan kahapon ng tanghali sa Cardiz St. kanto ng Batolao St. ng nasabing barangay.

Agad naman ipinag-utos ni QC Mayor Joy Belmonte na magpadala ng tulong sa mga nasunugan kung saan namahagi ito ng bigas at iba pang kagamitan sa mga biktima.

Nagbigay rin ang Social Services Development Department ng hot meals sa evacuees habang sagot naman ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang iba pang pangangailangan ng mga nasunugan. Naroon din ang City Health Department para gamutin ang mga residenteng nasugatan at nangangailangan ng karampatang lunas.

Patuloy na nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa mga nasunugan upang matulungan silang makabangon mula sa trahedya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble