TINANGGAL ang halos 100 empleyado ng YouTube at aasahan na mas madami pa ang mawawalan ng trabaho sa susunod na mga araw.
Ayon kay Google CEO Sundar Pichai, ang pagtanggal ng mga empleyado ay hakbang ng kompanya tungo na rin sa kanilang target na pagbabago gaya na lang ng paggamit ng artificial intelligence.
Noong nakaraang taon ay halos nasa 12 libo na ang empleyado ng Google na nawalan ng trabaho.
Samantala, ang Facebook-owner na Meta ay mahigit 20 libong manggagawa na ang tinanggal.