BUBUKSAN na araw-araw ang mga National Museum sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong 2025.
Inanunsiyo na ito ng National Museum of the Philippines sa kanilang Facebook page nitong Enero 1.
Noon ay bukas lang simula Martes hanggang Linggo, alas nuwebe ng umaga hanggang alas sais ng gabi ang National Museums.
Saklaw ng anunsiyo ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology, National Museum of Natural History, at National Planetarium sa Ermita, Manila.
Ang Regional National Museums ay matatagpuan naman sa Batanes, Cagayan, Ilocos, Cordillera, Kabayan sa Benguet, Rizal, Marinduque, Tabon Caves Complex, Bicol, Iloilo, Dumaguete, Bohol, Butuan, Zamboanga, at Sulu.