Mga natitira pang kalaban ng bansa, binigyan ng pagkakataon na magbalik-loob sa pamahalaan bago magpasko

Mga natitira pang kalaban ng bansa, binigyan ng pagkakataon na magbalik-loob sa pamahalaan bago magpasko

SA panayam kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Deputy Regional Director for Operations PBGen. Jack Wanky, nakikiusap sila sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF sa bansa na piliin ang bumaba at magbalik-loob na lamang.

Kasunod ito ng nangyaring pagsuko ng 37 mga miyembro ng Communist Terrorist Group sa NCRPO mula sa iba’t ibang rehiyon ng Cordillera Administrative Region, NCR, Region 3 at 5.

Ayon sa PNP, mainam na itigil na ng mga ito ang pagpapalinlang sa mga matatamis na pananalita ng mga komunista dahil walang magandang naidudulot ito sa kanila.

Ikinatuwa mismo ng pamunuan ng NCRPO ang ginawang desisyon ng mga benepisyaryo sa kanilang pagbabagong buhay.

Pero sa huli, nanindigan din ang PNP sa mga CTG members na magmamatigas at hindi tatalima sa panwagan ng gobyerno, mananagot anila ito sa batas anumang oras o panahon.

 

Follow SMNI News on Twitter