Mga natitirang miyembro ng ACT Teachers, hinimok na tumiwalag na sa grupo –anti communist group

Mga natitirang miyembro ng ACT Teachers, hinimok na tumiwalag na sa grupo –anti communist group

NANANAWAGAN ang grupong Yakap ng Magulang sa mga natitira pang miyembro ng ACT Teachers na iwanan na ang ACT Teachers para sa kapakanan ng mga ito at sa kinabukasan ng mga kabataan sa bansa.

Itinuturing na ikalawang magulang ng mga bata ang mga guro kung saan sa kanilang poder hinuhubog ang magandang kinabukasan ng isang indibidwal hanggang sa kanilang paglaki.

Kaya naman, kasabay ng pagdiriwang ngayong taon ng araw ng mga guro, hinimok ni Yakap ng Magulang President Relissa Lucena ang natitira pang miyembro ng ACT Teachers Partylist na umalis na sa grupo.

“Kasabay po ng inyong anniversary or kaarawan ng mga guro meron po akong hinaing o problema na idudulog sa ating mga kaguruan, meron po kaming dalawang punto. Ang unang punto ay ang recruitment ng CPP-NPA-NDF gamit ang front organization gamit ang ACT Teachers Partylist. Ang ACT Teachers Partylist po ay kinikilala ng gobyerno na isa sa mga front organization ng CPP-NPA-NDF terrorist,” pahayg ni Lucena.

Ang nasabing pakiusap ay upang iligtas ang mga guro sa masamang kilusan o grupo ng ACT Teachers.

Pinangangambahan ng grupo ng mga magulang sa bansa ang mapahamak ang kanilang mga anak sa mga paaralan kung mapag-alamang kasapi sa ACT Teachers ang mga itinuturing na pangalawang magulang ng mga bata.

“Sila po ay humahawak sa kaisipan at puso ng aming mga anak. Sila po ang pangalawang magulang ngunit sila po ay kasapi ng front organization ng CPP-NPA. Hindi ko po sinasabing lahat ng kaguruan at hindi ko rin sinasabi na kasapi ng CPP-NPA-NDF ang mga naging miyembro ng ACT Teachers Partylist. Maari ang iba diyan ang biktima lang din po ng panlilinlang kaya po nakikiusap po ako sa mga kaguruan na umalis na po kayo sa organization na ACT Teachers Partylist,” ayon kay Lucena.

Sa kabilang banda, para naman anila sa mga guro na naninindigan para sa bayan at hindi sa baluktot na paniniwala, nagpaabot ng pagsaludo ang grupong Yakap ng Magulang sa mga huwarang guro sa bansa.

Pero higit aniya sa lahat na tuluyang mamulat ang kaguruan sa bansa na protektahan ang naghihintay na magandang kinabukasan ng mga kabataan sa halip na maging salot at kalaban ng pamahalaan.

“Marami po sa mga naging aktibista, naging terorista, o naging ganap na CPP-NPA-NDF ang kanilang profession po na pinipili ay maging isang guro dahil ang pagiging isang guro ay tinitingala ka ng inyong mga estudyante. Pangalawa mataas ang respeto ng mga ito at pangatlo mas madalas pong kasama ng mga guro ang aming mga anak kasya sa amin. At malaki po ang parte nito sa ikauunlad at ikababagsak ng aming mga anak. Kaya po nakikiusap po kami sa lahat ng mga guro o kaguruan sama-sama po nating protektahan ang ating mga kabataan. Ito po ang usapin ng buhay ng aming mga anak, may pamilya din kayo anuman ang nais niyo para sa mga anak nyo ganun din po ang nais namin na maging ligtas sila sa kapahamakan at maging successful o makapagtapos sa pag-aaral at hindi po maging parte ng CPP-NPA-NDF,” ani Lucena.

Follow SMNI NEWS in Twitter