Mga negosyante sa China Town Maynila, apektado sa pagkansela ng aktibidad ngayong Chinese New Year

APEKTADO ang mga negosyante sa China Town sa Maynila sa pagkansela ng mga aktibidad ngayong Chinese New Year.

Aminado ang karamihang negosyante o mga nagtitinda sa loob ng China Town sa Binondo, Maynila na apektado sila sa muling pagkansela ng Manila City government ng lahat ng mga aktibidad ngayong Chinese new year.

Tuwing Chinese new year ang isa sa mga sikat na destinasyon sa bansa ang Binondo, Maynila na isang distrito sa lungsod  na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas at tinaguriang pinakamatandang China Town o Barrio Chino sa buong mundo.

Kapag malapit na ang Chinese new year dumadagsa na ang mga tao sa Binondo.

Marami din sa mga turista ang dumarayo sa lugar para makilahok sa naturang selebrasyon.

Bukod kasi sa pakikiisa sa selebrayon, maraming magagandang bagay at mga paninda na makikita sa China Town.

Kagaya ng iba’t-ibang mga prutas na ini-aangakat pa mula sa iba’t-ibang mga bansa, mga pagkain gaya ng tikoy at mga restaurant at iba pa.

Pero ang sigla ng Binondo tuwing Chinese new year ay biglang naglaho nang manalasa ang COVID-19 pandemic.

Noong nakaraang taon, kinansela ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng aktibidad para sa pagdiriwang ng Chinese new year batay sa inilabas na Executive Order no. 4, series of 2021.

At muli na naman nangyari ito ngayong taon sa bisa naman ng Executive Order no.11 na pinirmahan ng Alkalde.

Kagaya ni Digna, 36 taon na syang nagnenegosyo sa China Town at ang inaasahang pinakamalaking kita niya ay tuwing Chinese new year ay muling maaapektuhan.

Karamihan kasi sa mga suki ni Digna ay matatanda na may hawak ng pera ay hindi puwdeng lumabas at mamili sa kanyang mga tinitindang prutas.

Bukod pa dito, dahil pahirapan ang pag-aangakat ng mga prutas sa iba’t ibang bansa, maginang ang kanyang pagdedeliver sa mga hotel at iba pang mga establisimyento ay apektado rin.

‘’Sa nagyon po konti lang po yung dumarating na paninda naming..dahil sa Omicron,’’ayon kay Digna Salvador.

SMNI NEWS