PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga negosyante at pinaalalahanan na hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang price freeze dahil napailalim pa rin ang lungsod sa stage of calamity.
Inilabas ang babala matapos nakatanggap ng impormasyon ang LGU na may ilang mga negosyante ang nagtaas na ng presyo ng kanilang mga paninda.
Magugunitang idineklara ang state of calamity sa lungsod ng Valenzuela batay sa City Resolution No. 3186-2024 at batay sa Section 6 ng Republic Act No. 7581 ay pinapairal ang 60-day price freeze sa mga prime at basic commodities.
Kaugnay nito’y hinimok ng LGU ang mga consumers o mga mamimili na i-report ang mga retailer na nagbebenta ng mas mataas sa nakatalagang presyo.
Maaari aniyang tumawag ang mga magrereklamo sa Consumer Welfare Unit sa 8352-1000 local 1808 o magpadala ng mensahe sa [email protected].