INANUNSIYO na ang mga artista at pelikula na nominado para sa gaganaping 71st FAMAS Awards.
Ilan sa mga nominado sa prestihiyosong award giving body ay sina Liza Lorena, Nadine Lustre, Heaven Peralejo, Janine Gutierrez, at Sheila Francisco para sa best actress category.
Sina Paulo Avelino, John Arcilla, Diego Loyzaga, Ian Veneracion, at Noel Trinidad naman para sa best actor category.
Habang nominado naman para sa best picture category ang pelikulang “Family Matters”, “Blue Room”, “Leonor Will Never Die”, “La Traidora”, at “Deleter”.
Gaganapin ang FAMAS Awards Night sa darating na Agosto 13, 2023 sa Manila Hotel.