NAKA-standby na ang Philippine Coast Guard (PCG) sakaling mag-landfall na ang Bagyong Marce sa Northern Luzon.
Sa katunayan, naka-heightened alert status na ang North Western Luzon District ng PCG para mag-assist sa local government units hinggil sa evacuations at rescue operations.
Kasabay nito ay ibinahagi na rin ng PCG ang mga numero na maaaring ma-contact para makahingi ng tulong.
Ang PCG District North Western Luzon ay pwedeng ma-contact sa cellphone number na 0945-746-3430.
Ang PCG Station La Union ay sa cellphone number 0936-265-9447; ang PCG Station Pangasinan ay sa 0927-077-8026; habang ang PCG Station Ilocos Sur ay sa numero 0966-859-0756.
Ang PCG station ilocos Norte ay sa cellphone number na 0910-609-7420.
Follow SMNI News on Rumble