Mga OFW, magiging Tourism Ambassadors sa ilalim ng ‘Bisita Be My Guest’ program ng DOT –Sec. Frasco

Mga OFW, magiging Tourism Ambassadors sa ilalim ng ‘Bisita Be My Guest’ program ng DOT –Sec. Frasco

MALAKI ang magiging papel ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa pagpasok ng malaking bilang ng turista sa Pilipinas.

Ayon kay Sec. Christina Garcia-Frasco, magiging Tourism Ambassadors ang mga OFW sa ilalim ng ‘Bisita Be My Guest’ program ng Department of Tourism (DOT).

Hindi basta-bastang papremyo at mga regalo ang handog ng DOT sa ating mga OFW sa ilalim ng programa nitong ‘Bisita, Be My Guest’ program.

Ito ang inihayag ni Sec. Frasco sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy kung saan inilahad nito ang mga programa ng gobyerno sa sektor ng turismo kabilang na ang mga programa para sa mga kababayan nating OFW.

“So what we’ve been trying to do is to harness upon our strengths.”

“At nasabi niyo po (Pastor) ang mga OFW, mayroon tayong magandang programa ngayon na idinesenyo para sa ating mga OFW. Ito ay ang tinatawag nating ‘Bisita, Be My Guest’ program kung saan nag-aalok tayo ng special incentive sa ating mga kababayang Pilipino at OFW.” 

“Mag-aalok tayo ng raffle prize, mayroong mga condominium na pwedeng mapanalunan, mayroong mga airline ticket, mayroong mga holiday packages sa ilang mga destinasyon sa bansa.” 

“Mayroon rin tayong discount card na pwede mong ipakita, magkakaroon ka rin ng discount sa ilang accommodation establishment.” 

“Mayroon rin tayong travel passport na pwedeng ipa-stamp pagdating mo sa airport para maka-claim ng premyo,” pahayag ni Sec. Christina Garcia-Frasco, DOT.

Ayon kay Sec. Frasco, ang mga OFW bilang kinatawan ng mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo ang pinakamagandang maging Tourism Ambassador ng Pilipinas.

“Nakita naman natin ang ating mga OFW, sila ang pinakamagandang Tourism Ambassador para sa Pilipinas,” ayon pa kay Frasco.

Una nang inilunsad ang ‘Bisita Be My Guest program’ sa Tokyo para ipakilala sa Filipino community doon at ayon nga kay Frasco ay ilulunsad din ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Well, we actually had the very first global launch of the BBMG in Tokyo, Japan, during President Marcos’ very successful visit there. And it was very well received by our Filipino community,” aniya.

“Sila ay nasasabik na masyado na lumahok sa BBMG,” dagdag ng DOT chief.

“Tapos, gagawa din tayo ng National launch sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ang layunin at hangarin natin Pastor ay hikayatin ang ating mga kapatid na Pilipino na tumulong sa Pilipinas upang ang Turismo ay kumita, na maging mga ambassador ng turismo ng ating bansa,” wika ni Frasco.

“Wow, kung maka-invite tayo ng isa o dalawa, sabay-sabay,” saad ni Pastor Apollo.

Ayon kay Frasco, malaki ang naiambag ng turismo sa gross domestic product (GDP) ng bansa na nagpapakita naman ng malaking tulong naman sa ating ekonomiya.

“In 2019, it contributed over 12. 9 percent of our GDP, and kung gamitin natin ang metrics sa World Travel in Tourism Council, which also considers the indirect benefits of tourism downstream, 22 percent nga raw ang contribution sa turismo sa ating GDP. Last year, notwithstanding the fact that we only opened up in February, and we’re one of the last to open up in the Asian Region, we were able to generate to no less than 214 Billion pesos in revenues or close to 4 Billion US dollars, which translated to 5.2 Million jobs for Filipinos,” ayon pa kay Sec. Frasco.

Follow SMNI NEWS in Instagram