Mga OFW sa Japan, ipinahayag ang suporta para sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga OFW sa Japan, ipinahayag ang suporta para sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy

NAGKAISA ang daan-daang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Japan sa isang campaign rally upang ipakita ang kanilang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy, na tumatakbong senador sa 2025 Elections.

Isinagawa ang pagtitipon sa Shinjuku Central Park, kung saan ipinaabot ng mga OFW kasama ang mga miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang kanilang paniniwala sa kanyang liderato.

Ayon sa mga dumalo, nais nilang magkaroon ng tunay na pagbabago sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga adbokasiya ni Pastor Quiboloy tulad ng zero corruption at poverty reduction.

Naniniwala sila na ang butihing Pastor ay may kakayahang ipatupad ang mga programang mag-aangat sa buhay ng maraming Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter