NAGTIPON-tipon ang mga OFW sa London, United Kingdom para sa isang prayer vigil sa harap ng Philippine Embassy bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Sa gitna ito ng umano’y iligal na pag-aresto sa dating pangulo ng INTERPOL sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Nananawagan ng hustisya ang ating mga kababayan sa UK kasunod ng hindi makataong pag-aresto sa dating pangulo.
Dagdag pa ng mga kababayan natin sa London, si dating Pangulong Rodrigo Duterte lang ang nakapagpabago sa Pilipinas.
Samantala bagamat masakit para sa kanilang kalooban ang pagsama ni dating Pangulong Duterte papuntang Netherlands kung nasaan ang ICC, kitang-kita nila ang pagmamahal nito para sa bayan.
Hindi naman ito ang unang araw ng kanilang prayer vigil sa harap ng Embahada ng Pilipinas sa London, dahil masusundan pa umano ito mga susunod na araw.
=