DALAWA ang nakikitang dahilan kung bakit posibleng mapabilang na rin ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa travel ban mula sa 21 na mga bansa na kasalukuyang ipinatutupad ng pamahalaan.
Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na una na rin nitong ikinababahala ay ang kakulangan ng quarantine facility o mga hotel na posibleng pansamantalang paglalagyan ng mga dumarating na OFWs.
Ayon kay Bello, umaabot na sa 3000 hangang 3,500 ang mga dumarating na OFW sa bansa araw-araw at ang mga ito ay kailangang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.
Dahil dito, ay aminado din ang kalihim maging ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ay nababahala na rin na baka maubusan ng mga hotel na maaring paglalagyan ng mga OFW para sa kanilang dalawang linggong quarantine.
Ang ikalawang dahilan ani Bello ay ang mabilis na paghawa ng bagong COVID variant na maaring dala –dala ng mga dumarating na OFW mula sa 21 countries na may travel ban.
Kabilang sa travel ban sa mga bansang may bagong COVID-19 strain ang United Kingdom, South Africa, Switzerland, Italy, Denmark, Israel, Hong Kong, Spain, Ireland, Netherlands, Singapore, Lebanon, Japan, Canada, Germany, Sweden, Australia, France, Iceland at South Korea, at United States of America.
Habang kahapon lamang o December 3, isinali na rin sa listahan ang Estados Unidos pero iginigiit ni Bello na kahit sa mga nabanggit na bansa ay hindi papayagan na pumasok sa Pilipinas ang sinuman kahit Pilipino o nabakunahan man o negatibo sa resulta ng test maliban na lamang kung ito ay OFW.