LUMIPAT na mula Luzon papuntang Visayas at Mindanao ang mga maliliit na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa pahayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nagpapanggap na ang mga ito bilang Business Process Outsourcing (BPO) companies.
Ang mga ito ay nag-aapply na nga bilang BPO sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Isa sa mga naging factor ng kanilang monitoring ang dumaming flights papunta sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.