Mga opisyal ng PhilHealth nasabon sa pagdinig ng Senado

Mga opisyal ng PhilHealth nasabon sa pagdinig ng Senado

SERMON ang inabot ng mga opisyal ng PhilHealth sa Senado araw ng Miyerkules dahil sa issue ng paglipat ng excess funds nito sa National Treasury.

Sa isang pagdinig tinawag ni Senador Bong Go na “Boy Promise”  si PhilHealth CEO Emannuel Ledesma Jr. dahil sa marami na aniya itong pangako na ‘di natutupad.

Sinabi ni Go na kung di lang sumabog ang kontrobersya ng PhilHealth kaugnay sa di tamang paggastos ng pondo na nagresulta ng bilyung pisong halaga ng unused funds ay di ito mag aatubili na gawin ang kanilang mandato.

‘’Eh kung tinaasan nyu sinasabay nyo noong Pebrero yung sinasabing 30 percent eh kung tianasaan mo ng 80 percent nakinabang sana ang Pilipino. Nakinabang pa ang mga mahihirap. Hindi pa naging excess funds di pa nawalis. Nung na diskubre na mayroong kayong excess funds dun nakita na mayroon kayong reserve funds dun nagka problema,’’ ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.

Pero kaugnay nito ay nanghinayang naman ang Chairman ng Senate Committee on Health and Demography na si Go kaugnay sa zero budget na binigay ng Kongreso sa PhilHealth subsidy para sa susunod na taon.

Naniniwala ang senador na maapektuhan dito mga mahihirap na Pilipino na nangangailangan ng tulong sa kanilang kalusugan.

Ang zero budget aniya sa Philhealth subsidy ay di makatarungan.

Sa panig naman ng PhilHealth ay tiniyak ni Ledesma na maseserbisyuhan pa rin ang mga beneficiaries nito sa 2025 sa kabila na zero budget sila sa subsidy.

Sa isang video message ipinagmalaki ni Ledesma na aabot sa 500 bilyung piso ang kanilang excess fund o o naipong pondo na maaring gamitin sa susunod na taon.

Ibinida rin ni Ledesma na sa susunod na taon ay magkakaroon din sila ng increased benefit packages para sa mga beneficiaries na tinatayang aabot sa 284 bilyung piso ang halaga ang gagastusin .

‘’Allow me to assure everyone that PhilHealth will continue to pay for the health benefits of all Filipinos with or without government subsidy. It is our goal to finance the best care and benefits available,’’ saad ni Emmanuel Ledesma Jr. CEO, PhilHealth.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble