UMABOT na sa 942 opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang tumugon sa panawagan ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na magsumite ng courtesy resignation.
Ito ang iginiit ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo matapos madagdag sa bilang ang isa sa mga opisyal ng pulisya.
Ayon kay Fajardo, nasa 11 opisyal na lamang ang inaantabayanan nilang maghain ng courtesy resignation bago ang itinakdang deadline sa Enero 31.
Nabatid na binuo ng 953 police colonel at police general ang sasalain ng 5-man committee laban sa isyu ng iligal na droga.
Isa sa magiging miyembro ng panel si dating PNP CIDG director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong habang inaabangan ang iba pa niyang makakasamang personalidad.