ITINAAS na ng Department of Health (DOH) sa code white alert ang lahat ng ospital ng gobyerno sa buong bansa.
Ito’y para sa pagdiriwang ng Semana Santa ngayong linggo kung saan inaasahang dadagsa ang mga magbibiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya o pagbabakasyon sa mga lugar na karaniwang dinadayo ng mga turista sa ganitong panahon.
Sa ilalim ng code white alert status, nakaantabay ang lahat ng medical personnel at staff ng mga government ospital para anumang emergency.
Para maiwasan naman ang mga emergency, pinayuhan ng health department ang publiko na uminom ng maraming tubig para maiwasana ng dehydration; iwasan ang matagal na pagkalantad sa init ng araw para maiwasan ang heat stroke; maging maingat sa mga sakit na nauuso tuwing tag-init kabilang na ang sipon, ubo, rashes, sakit sa balat, at iba pa.
Pinayuhan din ng doh ang mga magulang o guardian na bantayang mabuti ang kanilang mga anak o ang mga bata lalo na kapag lumalangoy o sa iba pang water activities ngayong bakasyon.