Mga ospital sa United Kingdom, nanganganib nang mapupuno

Mga ospital sa United Kingdom, nanganganib nang mapupuno

NANGANGANIB ngayon na mapupuno ang mga ospital sa United Kingdom partikular na sa Wales at Scotland.

Ito ay dahil sa paglobo ng bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 kasunod na rin sa banta ng bagong variant ng virus na natuklasan sa naturang bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng National Health Service o NHS England, umabot na ngayon sa 20,426 ang bilang ng mga COVID-19 patients na ginagamot sa mga ospital.

Mas mataas umano ito mula sa 19,000 na naitala noong Abril kung saan naitala ang pinakaunang peak ng kaso.

Nitong Lunes lamang naitala ng UK ang pinakamataas na daily number of cases na lumampas sa 40,000.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.