Dadagdagan pa ang mga paaralan sa bansa na isasama sa pilot implementation ng face-to-face classes kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ayon sa Department of Education (DepEd).
“With the approval of the Office of the President, the Department of Education is announcing that it will increase the number of participating schools in the pilot implementation of face-to-face classes,” saad ng kagawaran.
Ayon sa DepEd habang patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa mas maraming paaralan ang kwalipikadong sumali sa pilot run .
Anila sa 638 na eskwelahan, 484 ang nakapasa sa granular risk assessment ng Department Of Health (DOH) bilang minimal o low risk sa COVID-19.
Gayunpaman, susuriin pa muli ng DepEd ang kahandaan ng mga paaralang ito.
Sa November 15 na magsisimula ang pilot run ng face-to-face classes ng unang 100 pampublikong paaralan na natukoy habang sa November 22 naman ang sa unang 20 private schools.