INISA-isa ni Speaker Martin Romualdez ang mga ipapasok na amyenda sa Military and other Uniformed Personnel (MUP) Pension system.
Sa kaniyang talumpati sa Camp Gregorio Lim sa Cavite nitong Miyerkules ay nagbigay ng update si Speaker Martin Romualdez sa mga pagbabago sa MUP.
Tinaon ito ni Romualdez at inilahad ang update sa harap mismo ng Marines.
Kabilang sa sinolusyunan ang mga sumusunod:
90% retirement package batay sa base pay ng lahat ng MUPs.
Mas mataas ito sa kasakuluyang 85% package sa lahat ng AFP personnel.
Kasama na rin sa pensiyon ang mga pulis na may less than 20 years sa serbisyo kasama na ang separation lump sum.
Higit sa lahat, may 3% na taunang taas sahod ang lahat ng MUPs.
Kabilang dito ang mga sundalo, pulis, bumbero, BJMP, coast guard, Philippine Public Safety College at Bureau of Corrections.
“Our valiant Marines, I am aware how you value your families and look forward to building a better future for spouses and children. Alam namin sa Kongreso ang mga problema ninyo para pagkasyahin ang suweldo sa araw-araw na pangangailangan,” pahayag ni Speaker Martin Romualdez, House of Representatives.
Kabilang rin dito ang magkaibang pension system ng uniformed at non-uniformed personnel.
May minimum contribution na rin ang lahat ng aktibong nasa serbisyo.
At special window na aalalay sa disadvantaged pensioners.
“Salamat sa House Ad Hoc Committee, makakatulog na nang mahimbing ang lahat ng military at uniformed personnel natin gayundin ang mga pamilya ninyo. Sigurado nang mababayaran ang lahat ng pensyon ninyo, may dagdag pa kayong suweldo taon-taon,” dagdag ni Romualdez.
Ginagawan ng paraan ng Kamara na maayos ang problema sa mga retirado.
At nang hindi nauubos ang taunang budget ng gobyerno para dito.
Napupunta ang malaking bahagi ng annual budget allocation ng AFP sa pension ng mga retirees kumpara sa kasalukuyang maintenance and operating expenditures ng institution.
At kung magpapatuloy ito, maaaring magkaroon ng fiscal collapse sa bansa.
Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang nagsusulong na maayos ang pension system sa lalong madaling panahon.