Mga paghahanda para sa BARMM Parliamentary Elections sa 2025, tuluy-tuloy—COMELEC

Mga paghahanda para sa BARMM Parliamentary Elections sa 2025, tuluy-tuloy—COMELEC

PERSONAL na nagtungo sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia.

Sinuri nito sa pagbisita ang mga paghahanda ng komisyon para sa kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

“Pinakita natin sa pagpunta natin dito kasama ang mga opisyal ng Commission on Elections at matataas na opisyal ng PNP at ng AFP dito sa lugar na tuloy na tuloy na ang election sa BARMM,” saad ni Atty. George Garcia, COMELEC Chairman.

Sa 2025 mid-term elections, dalawang balota ang gagamitin ng mga taga-BARMM.

Isa para sa national post, ang isa naman ay para sa parliamentary race.

Mahigit sa dalawang milyon ang botante sa BARMM.

Sa kabila ng paghahanda, pag-uusapan naman sa Senado ang posibilidad na iurong na sa 2028 ang BARMM Parliamentary polls.

Mismong si Senate President Chiz Escudero ang nagsabi dito,

Para naman sa COMELEC…

“Kung ano man po ang mangyayari kung may magfa-file or whatever hindi pa naman po batas ‘yun. Kung saka-sakaling panukalang batas pa lang ‘yun. And therefore, that does not amend yet existing law,” dagdag ni Garcia.

Kung pagbabatayan ang batas, may hanggang Hunyo 30, 2025 pa ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) para pamunuan ang BARMM.

Ang BTA ay pinamumunuan ng mga opisyal mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“So sa amin pong palagay kung sakaling magkaroon ng panibagong extension kailangan natin ng panibagong batas,” ani Garcia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble