Mga paglabag ng ABS-CBN sa labor law, inungkat sa Kamara

Mga paglabag ng ABS-CBN sa labor law, inungkat sa Kamara

ISA-isang pinag-usapan at tinalakay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga probable labor violations ng ABS-CBN Corp. na bahagi pa rin ng proseso ng Kamara sa pagdedesisyon kung bibigyan pa ba ang kanilang franchise application na tinatalakay ng mga kongresista.

 

Hindi masagot ng diretso ng Department of Labor and Employment (DOLE) Usec. Ana Dione ang tanong ni Baguio Congressman Mark Go kung matinong employer ba ang ABS-CBN.

 

Ito ay sa gitna ng pagtalakay ng Kamara sa mga probable labor at tax violations ng kompanya.

 

Narito ang bahagi ng kanilang pag-uusap:

 

Subalit nauna nang sinabi ni Usec. Dione na compliant ang ABS- CBN sa general labor standards and occupational safety and health standards base sa routine inspections ng DOLE noong Oktubre ng 2019.

 

Pero mula 1996, ay may 67 pending labor cases na nakahain sa NLRC pati na sa Supreme Court laban sa ABS- CBN mula mismo sa mga empleyado nito.

 

Laging sinasabi ng ABS- CBN na maapektuhan ang 11,000 empleyado ng kompanya kung mawawalan sila ng franchise.

 

Pero sa hearing, nalito ang mga kongresista dahil iba ang bilang dito ng BIR sa claim ng ABS-CBN na 11,000 empleyado.

 

Narito ang pahayag ni Cong. Ron Salo kaugnay sa bilang ng mga empleyado ng ABS-CBN:

 

Napag-alaman na may 11, 071 bilang na workers sa buong ABS-CBN group of companies kungsaan 5, 918 dito ang bilang ng empleyado ng ABS-CBN Broadcasting.

 

Nasa 2, 661 lamang ang regular employees, 1, 641 na project employees at 4,035 ang mga talents o mga production crew ng mga TV show, mga artista, dancer, performer at mga singer.

 

Pero ayon kay Congressman Salo, 24.6% lamang ang total ng regular employees ng kompanya.

 

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published.