Mga panukala sa mga manggagawa, ipinanawagan ngayong Labor Day

Mga panukala sa mga manggagawa, ipinanawagan ngayong Labor Day

NANAWAGAN si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa pamahalaan na aksiyunan ang pending bills sa Kongreso para sa mga manggagawa.

Ginawa ni Salo ang panawagan sa paggunita sa Labor Day na pumapatak tuwing Mayo 1 sa bansa.

Saad ni Salo na chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sana’y maipasa ngayong 19th Congress ang kaniyang HB 525 o ang Minimum Wage Bill na layong gawin na P750 ang minimum wage sa buong bansa.

Ang HB 520 para sa mandatory 14th-month pay sa lahat ng mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor.

At ang HB 521 para sa automatic civil service eligibility para sa lahat ng job orders o JO at contractual workers sa gobyerno.

Ayon sa mambabatas, mula 17th Congress pa ay isinusulong na ang mga nabanggit na panukala na suportado ng labor sector.

Umaasa si Salo na sa panahon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. lahat ng concerns sa paggawa ay matutugunan kaakibat ng pagbibigay ng wastong benepisyo sa labor sector.

 “Our workers deserve nothing but the best. Let us continue to work together to uplift their lives and provide them with the support and protection they need and deserve,” saad ng mambabatas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter