MAHIGPIT na i-monitor ang mga nagbebenta ng paputok.
Ito ang tugon ni Bureau of Fire Protection (BFP) chief Fire Director Louie Puracan sa panayam ng SMNI News.
Hinggil ito sa panukalang total ban ng mga paputok at pyrotechnics.
Ani Puracan, sa panig ng ekonomiya, marami ang mawawalan ng trabaho dahil dito.
Kaugnay rito, ibinahagi ni Puracan ang panukala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa mga paputok at paano maging ligtas dito.
Sa muli, ipinaalala ni Puracan na sa tamang display center lang bibili ng paputok at huwag sa mga nilalako at binebenta sa palengke.
Sa mga tamang lugar lang din na itinalaga ng lokal na pamahalaan maaaring magpaputok at hindi kahit saan-saan.