Mga pasahero ng lumubog na bangka sa Tawi-Tawi nailigtas na

Mga pasahero ng lumubog na bangka sa Tawi-Tawi nailigtas na

NAILIGTAS ng mga sasakyang pandagat ng Malaysia at Philippine Navy ang nasa 32 katao mula sa lumubog na bangka malapit sa Bangsata, Taganak Island, Tawi-Tawi nitong Lunes, March 17, 2025.

Ang mga ito ay halos 20 oras nang nakakapit sa mga debris ng kanilang lumubog na bangka ayon kay Rear Admiral Francisco Tagamolila Jr., ang commander ng Naval Forces Western Mindanao.

Sa ulat, madaling araw nitong Lunes nagsimulang bumiyahe ang bangka na M/L Bangsata sa Taganak papuntang South Ubian.

Ngunit dahil sa malalakas na alon ay lumubog ito sa Bangsata.

Mainam na lang ay may isang Singaporean oil tanker na dumaan at nagbigay-alam sa mga awtoridad tungkol sa insidente.

Sa 32 na na-rescue, 26 dito ang nailigtas ng PH Navy habang ang natitirang anim ay sa dumadaang Malaysian vessel na.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble