Mga pasahero ng Philippine Airlines flight PR 2993 na biyaheng MNL-ZAM noong March 13, pinaghahanap

NANANAWAGAN ang city government ng Zamboanga sa lahat ng pasahero ng Flight PR 2993 ng Philippine Airlines na may biyaheng Manila-Zamboanga (MNL-ZAM) noong March 13 na agad makipag-ugnayan sa kanila.

ADVISORY: Zamboanga City Government asks all those aboard PAL PR 2993 Manila-Zamboanga flight on March 13, 2020, to coordinate with them after a co-passenger tested positive for #COVID19

Posted by SMNI News on Tuesday, 24 March 2020

Ito ay matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isang pasahero ng nasabing flight.

Sa abiso ng city government, maaaring tumawag ang mga pasahero sa kanilang health hotline na 0966-175-4298 o sa 975-3802.

Inihayag ng Zamboanga government na isasailalim ang mga pasahero sa strict home quarantine hanggang sa Marso 27.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.