MARAMI pa ring mga pasahero ang na-stranded at umaasa na mabibigyan ng tsansang makasakay pabalik sa kani-kanilang probinsiya.
Ito’y kasunod sa pagkansela ng lahat ng domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport biyahe mula Manila patungong Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Luzon.
Matatandaan na Agosto 2 nang inanunsiyo ang pagpatutupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Hapon na Agosto 3 nang mag-anunsiyo ang local air carrier ng pagkansela ng kanilang domestic flights palabas at papasok ng Manila.
Narito ang pahayag ni Regia Jancorda ng Bacolod, isa sa mga na-stranded sa NAIA airport terminal:
Ayon naman sa Philippine Airlines, Cebu Pacific, at Air Asia Philippines maliban sa Manila bukas naman ang kanilang mga domestic routes palabas at pabalik ng Clark International Airport, Cebu Mactan International Airport , Davao at iba pang siyudad na hindi apektado at mananatli pa ring operational.
Bukod pa dito, patuloy pa rin ang pag-o-operate ng international flights ngunit ito ay isinailalim pa rin sa mga karagdagang guidelines mula sa mga awtoridad kaugnay sa quarantine capacity at iba pang arrangement.
Ayon sa PAL, para sa mga maapektuhang mananakay maaari silang mag-rebook, refund at mag-convert ng kanilang tiket sa travel voucher.
May opsyon din ang Cebu Pacific para sa mga apektadong pasahero kagaya ng unlimited booking, rebooking, 2-year travel fund o full refund sa halaga ng kanilang ticket.