Mga pasilidad ng PNP, nakahanda na laban sa Delta variant

Mga pasilidad ng PNP, nakahanda na laban sa Delta variant

NAKAHANDANG tumugon ang Philippine National Police (PNP) kung kakailanganin ang kanilang tulong sa pagpasok ng Delta variant COVID-19 sa bansa.

Sa pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa ay lalong nangamba ang lahat sa dulot na panganib nito dahil lalong mas nakakahawa ang naturang variant kaysa sa mga nauna.

Kaya mahigpit ang paalala ng pamahalaan na sundin ng ang mga health protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force Against COVID-19.

Samantala, nakahanda naman ang PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) sa worst-case scenario dahil sa Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang tiniyak ni PNP deputy chief for administration at ASCOTF commander Police Lieutenant General Joselito Vera Cruz.

Ayon kay Vera Cruz, nakahanda ang kanilang quarantine, isolation at treatment facilities sakaling sumipa ang kaso ng COVID-19.

Kasabay nito, nagpaalala ang opisyal sa mga pulis na magpabakuna na upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa variant.

Aminado si Vera Cruz na may mga pulis na ayaw pa ring magpabakuna dahil sa kanya-kanyang  kadahilanan.

Nauna nang humingi ng kooperasyon si PNP General Guillermo Eleazar sa publiko dahil aniya, ang kailangan ay pagkakaisa upang malabanan ang bagong variant ng COVID-19.

“Pero sa huli, ang kooperasyon ng bawat Pilipino ang nanantiling mabisang sandata upang labanan ang pagkalat nito kaya nakikiusap muli ang inyong PNP sa ating mga kababayan na patuloy na seryosohin ang pagsunod sa minimum public health safety protocol para sa kaligtasan ng bawat isa,”ayon kay PGen. Guillermo Eleazar PNP Chief.

At magbigay na rin ito ng direktiba sa Joint Task Force (JTF) COVID shield commander PLt. Gen. Ipharim Dickson na makipagkoordinasyon sa mga LGU’s upang siguraduhing natutupad ang mga health protocols.

SMNI NEWS