Mga pasimuno ng indictment ni Pastor Apollo sa USA, may kasalanang iniwan sa Pilipinas

Mga pasimuno ng indictment ni Pastor Apollo sa USA, may kasalanang iniwan sa Pilipinas

MAY kasalanang ginawa sa Pilipinas ang mga pasimuno ng indictment ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Estados Unidos.

Ito ang binigyang-diin ni Attorney Michael Green, legal counsel ng the Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa isinagawang press briefing ngayong araw, Pebrero 6 hinggil sa lumalaganap na wanted poster ng FBI para kay Pastor Apollo.

Saysay ni Attorney Green, ang mga dissidents ang nanguna dito sa indictment at nadiskubreng may ninakaw na pera mula sa kaban ng kongregasyon.

Kung sisilipin, ang mga dissidents ang namahala ng negosyong Apollo Air ni Pastor Apollo at ang dalawang magkapatid ang nangasiwa din ng Jose Maria College, isang paaralan na pagamamay-ari rin ng butihing Pastor.

“14 dissidents…  who, it looked like caught stealing from the church after being given housing, clothing, food, free legal education and everything else,’’ayon kay Attorney Green.

‘’He was like a son to the Pastor. And then when it turned out there was going to be an audit on Apollo Air, where he was the manager, the college where his wife and sister were working at, when they found out there was going to be an audit, they ran like thieves in the middle of the night,”saad ni Attorney Green.

Ayon kay Attorney Green, kung totoo nga ang mga akusasyong ipinupukol ng mga pasimunong ito laban kay Pastor Apollo, hindi na sana nila inantay pa na lumipas ang ilang taon bago ito isiwalat.

Ang mga dissidents ay dating mga myembro ng the Kingdom of Jesus Christ.

Kung matatandaan, sila rin ang pasimuno ng indictment laban kay Pastor Apollo sa Hawaii noong 2018.

Inakusahan dito ang butihing Pastor at ang KJC coordinator sa Hawaii na si Felina Salinas ng korapsyon dahil sa mga dolyar na nakita sa bagahe ni Pastor Apollo habang pauwi na ito sa Pilipinas.

Kalaunan ay nadiskbubre ng hukuman ng Hawaii na hindi totoo ang mga sinasabi nila at na-dismiss ang kaso ni Pastor Apollo dahil dito.

Noong 2020 rin ay isinumbong rin sa FBI ng parehong pasimuno ang isang worship center ng KJC sa Van Nuys, California.

Anila, may sex slaves na nakatira sa compound na kinakailangang matulungan.

Nai-raid ng FBI ang worship center sa Van Nuys subalit wala silang nakikitang umanoy sex slaves dito.

Ngayon, inihayag ni Attorney Green na mga sinungaling at basura lang ang mga ito.

Ibinahagi pa ng abogado na sa tatlong milyong myembrong kinupkop ng KJC ay walang ni isang masamang nasasabi ito tungkol kay Pastor Apollo.

“The testimonies about how they saved children, orphans, parents, grandparents, gave them housing and clothing. Three million people and not a bad word about this church and this Pastor that loved all of them to this day,”paliwanag ni Attorney Green.

Ani Attorney Green, hindi nararapat na mabahiran ng kasamaan ang butihing Pastor dahil kilala nya ang pagkatao nito.

Determinado aniya sya na maipanalo ang tinaguriang “most important case” ng kanyang buhay.

Follow SMNI NEWS on Twitter